Ang Tula na "Ang Aking Pag-ibig" isinalin sa Tagalog


Ang Aking Pag-ibig

(How Do I Love Thee - Sonnet 43 ni Elizabeth Barret Browning)
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Elizabeth Barret Browning How DO I Love Thee in Tagalog
Elizabeth Barret Browning

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko‟y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitin,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira‟y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

How Do I Love Thee na isinalin sa Tagalog



Mga Komento