Mga Tauhan sa Kwento ni Cinderella Tinagalog
Tagapagsalaysay (Narrator)
Cinderella
Kapatid 1
Kapatid 2
Diwata
Bisita 1
Bisita 2
Prinsipe
Kapatid 1: Nilinis mo na ba ang kusina?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 2: Napakintab mo na ba ang sapatos ko?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 1: Naplantsa mo na ba ang damit ko?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 2: At…nakapagluto ka na ba ng almusal?
Cinderella: Opo, handa na po ang almusal.
Tagapagsalaysay: Si Cinderella ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa kanilang tahanan, dahil na rin sa utos ng kaniyang mga salbaheng kapatid.
Cinderella: (Sumisigaw) Mga kapatid! Sulat mula sa palasyo ang dumating para sa inyo.
Kapatid 1: (Nakikipagtalo) Ibigay mo sa akin iyan! Gusto ko nang mabasa!
Kapatid 2: (Nakikipagtalo) Huwag! Ako ang magbubukas niyan!
Magkapatid: (Nakatingin sa imbitasyon) Tingnan mo! Iniimbitahan tayo sa isang piging sa palasyo!
Cinderella: (Nalulungkot na bumulong) Sana maaari din akong dumalo.
Tagapagsalaysay: Dumating na ang gabi ng piging.
Unang Tagpo (Sa tahanan nina Cinderella)
Tagapagsalaysay: Noong unang panahon, mayroong isang magandang dilag na nagngangalang Cinderella. Mayroon siyang dalawang kapatid na hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya.Kapatid 1: Nilinis mo na ba ang kusina?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 2: Napakintab mo na ba ang sapatos ko?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 1: Naplantsa mo na ba ang damit ko?
Cinderella: Opo, tapos na po.
Kapatid 2: At…nakapagluto ka na ba ng almusal?
Cinderella: Opo, handa na po ang almusal.
Tagapagsalaysay: Si Cinderella ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa kanilang tahanan, dahil na rin sa utos ng kaniyang mga salbaheng kapatid.
Cinderella: (Sumisigaw) Mga kapatid! Sulat mula sa palasyo ang dumating para sa inyo.
Kapatid 1: (Nakikipagtalo) Ibigay mo sa akin iyan! Gusto ko nang mabasa!
Kapatid 2: (Nakikipagtalo) Huwag! Ako ang magbubukas niyan!
Magkapatid: (Nakatingin sa imbitasyon) Tingnan mo! Iniimbitahan tayo sa isang piging sa palasyo!
Cinderella: (Nalulungkot na bumulong) Sana maaari din akong dumalo.
Tagapagsalaysay: Dumating na ang gabi ng piging.
Kapatid 1: (Humahalakhak) Ha-ha! Siguradong magiging maganda ang gabing ito para sa amin.
Kapatid 2: (Humahalakhak) Maging maganda rin sana ang trabaho mo ngayong gabi, Cinderella.

Tagapagsalaysay: Nang makaalis na ang magkapatid, bigla namang lumitaw ang isang diwata.
Cinderella: Diyos ko! Sino ‘ho kayo?
Diwata: Ako ang iyong tagapagbantay, magandang Cinderella. Naririto ako upang tulungan kang makapunta sa piging ngayong gabi.
Tagapagsalaysay: Iwinasiwas ng diwata ang kaniyang mahiwagang baston. Ang gula-gulanit na suot ni Cinderella ay biglang naging magarbong damit.
Cinderella: Napakaganda po nito!
Tagapagsalaysay: Sa kaniyang paa ay nakasuot ang isang pares ng kumikinang na babasaging sapatos.
Cinderella: Gustong-gusto ko po ito! Napakaganda!
Tagapagsalaysay: Gamit ng diwata ang kaniyang mahika, ginawa niyang magarang kalesa ang isang malaking kalabasa at ang ilang daga ay ginawa naman niyang kabayo.
Cinderella: Napakaganda ng kalesa at ng mga kabayo!
Diwata: Ngayon ay handang-handa ka na talaga, Cinderella. Sige na, magpakasaya ka sa piging, ngunit kailangan mong makabalik bago maghatinggabi!
Cinderella: Opo, mahal na diwata! Maraming salamat po!
Panauhing Babae: Sino kaya ang magandang prinsesa na iyan?
Panauhing Lalaki: Hindi pa ako nakakita ng babaeng kasing ganda niya sa tanang buhay ko!
Kapatid 1: Hindi maaari! Isasayaw siya ng Prinsipe.
Kapatid 2: Hindi ito patas! Dapat sa akin lang siya makipagsayaw.
Prinsipe: (Lumapit kay Cinderella) Maaari ba kitang maisayaw?
Cinderella: (Nagulat) Huh! Opo, kamahalan.

Ikalawang Tagpo (Sa palasyo)
Tagapagsalaysay: Sa piging, halos lahat ay namangha at nagtanong kung sino ang magandang prinsesa.Panauhing Babae: Sino kaya ang magandang prinsesa na iyan?
Panauhing Lalaki: Hindi pa ako nakakita ng babaeng kasing ganda niya sa tanang buhay ko!
Kapatid 1: Hindi maaari! Isasayaw siya ng Prinsipe.
Kapatid 2: Hindi ito patas! Dapat sa akin lang siya makipagsayaw.
Prinsipe: (Lumapit kay Cinderella) Maaari ba kitang maisayaw?
Cinderella: (Nagulat) Huh! Opo, kamahalan.
Tagapagsalaysay: Isinayaw siya ng Prinsipe sa saliw ng lahat ng musika nang gabing iyon. Maya-maya pa ay sumapit na ang ika-12 ng hatinggabi.
Cinderella: (Nagmamadali) Kailangan ko nang umalis! Maraming salamat!
Prinsipe: Pakiusap, huwag ka munang umalis! (pasigaw) Anong pangalan mo?
Tagapagsalaysay: Hindi sumagot si Cinderella, at dali-dali siyang sumakay sa kalesa. Hindi niya namalayang naiwala niya ang isa niyang sapatos sa daan. Biglang nawala ang kalesa at mga kabayo, bumalik din sa dati ang kaniyang gula-gulanit na damit.
Cinderella: Hindi! Nawala na ang lahat! Ang aking magandang damit at kumikinang na sapatos, nasaan na? Panaginip lamang ba ito?
Prinsipe: Gusto kong ang lahat ng dalaga sa buong kaharian ay masubukang isuot ang sapatos na ito. Kailangan kong mahanap ang kapares nito, pati ang aking prinsesa.
Tagapagsalaysay: Ngunit wala ni isang babaeng nagkasya ang paa sa sukat ng sapatos. Hanggang sa mapadako na ang Prinsipe sa tahanan ni Cinderella.
Kapatid 1: Magandang umaga, Prinsipe! Masaya akong natagpuan mo ang nawawala kong sapatos.
Kapatid 2: Sa akin ang sapatos na ito. Ako ang hinahanap mong prinsesa.
Tagapagsalaysay: Tinangka ng pangit na magkapatid ang pagsuot ng sapatos.
Kapatid 1: Ako ang unang susubok!
Kapatid 2: Hindi! Masyadong malaki ang mga paa mo. Ibigay mo iyan sa akin!
Tagapagsalaysay: Masyadong malalaki ang mga paa ng dalawa, at habang patuloy sa pagtatalo ay nakita ng Prinsipe si Cinderella.
Prinsipe: Hayaan nating subukan ng dalagang ito.
Kapatid 1: Pero siya lamang si Cinderella.
Kapatid 2: Hindi naman siya pumunta sa piging. Hindi magkakasya sa kaniya ang sapatos!
Tagapagsalaysay: Umupo si Cinderella upang subukang isukat ang sapatos.
Prinsipe: (Namangha) Nagkasya!
Cinderella: (Tuwang-tuwa) Nagkasya!
Kapatid 1 at 2: (Takang-taka) Nagkasya?
Prinsipe: (Nakangiti) Ikaw ang matagal ko nang hinahanap. Anong pangalan mo?
Cinderella: (Nakangiti) Ang pangalan ko po ay Cinderella.
Tagapagsalaysay: Natagpuan na ng prinsipe ang kaniyang prinsesa at namuhay sila nang masaya.
Cinderella: (Nagmamadali) Kailangan ko nang umalis! Maraming salamat!
Prinsipe: Pakiusap, huwag ka munang umalis! (pasigaw) Anong pangalan mo?
Tagapagsalaysay: Hindi sumagot si Cinderella, at dali-dali siyang sumakay sa kalesa. Hindi niya namalayang naiwala niya ang isa niyang sapatos sa daan. Biglang nawala ang kalesa at mga kabayo, bumalik din sa dati ang kaniyang gula-gulanit na damit.
Cinderella: Hindi! Nawala na ang lahat! Ang aking magandang damit at kumikinang na sapatos, nasaan na? Panaginip lamang ba ito?
Ikatlong Tagpo (Sa tahanan ni Cinderella)
Tagapagsalaysay: Nang sumunod na araw, iniutos ng Prinsipe ang pagpapahanap kay Cinderella.Prinsipe: Gusto kong ang lahat ng dalaga sa buong kaharian ay masubukang isuot ang sapatos na ito. Kailangan kong mahanap ang kapares nito, pati ang aking prinsesa.
Tagapagsalaysay: Ngunit wala ni isang babaeng nagkasya ang paa sa sukat ng sapatos. Hanggang sa mapadako na ang Prinsipe sa tahanan ni Cinderella.
Kapatid 1: Magandang umaga, Prinsipe! Masaya akong natagpuan mo ang nawawala kong sapatos.
Kapatid 2: Sa akin ang sapatos na ito. Ako ang hinahanap mong prinsesa.
Tagapagsalaysay: Tinangka ng pangit na magkapatid ang pagsuot ng sapatos.
Kapatid 1: Ako ang unang susubok!
Kapatid 2: Hindi! Masyadong malaki ang mga paa mo. Ibigay mo iyan sa akin!
Tagapagsalaysay: Masyadong malalaki ang mga paa ng dalawa, at habang patuloy sa pagtatalo ay nakita ng Prinsipe si Cinderella.
Prinsipe: Hayaan nating subukan ng dalagang ito.
Kapatid 1: Pero siya lamang si Cinderella.
Kapatid 2: Hindi naman siya pumunta sa piging. Hindi magkakasya sa kaniya ang sapatos!
Tagapagsalaysay: Umupo si Cinderella upang subukang isukat ang sapatos.
Prinsipe: (Namangha) Nagkasya!
Cinderella: (Tuwang-tuwa) Nagkasya!
Kapatid 1 at 2: (Takang-taka) Nagkasya?
Prinsipe: (Nakangiti) Ikaw ang matagal ko nang hinahanap. Anong pangalan mo?
Cinderella: (Nakangiti) Ang pangalan ko po ay Cinderella.
Tagapagsalaysay: Natagpuan na ng prinsipe ang kaniyang prinsesa at namuhay sila nang masaya.
Mga iba pang maikling kwento:
Mga Komento