Ang Maikling Nobela: Ang Munting Prinsipe

Ang Munting Prinsipe

Ang akdang “Ang Munting Prinsipe” ay isang nobela na isinulat ni Antoine de Saint-Exupery, isang Pranses na manunulat, makata, mamamahayag, at isa ring piloto. Taong 1943 nang unang nailathala ang nasabing nobela. Hindi nagtapos sa unang paglathala ang nobela ni Exupery. Sa katunayan, ito ang naghatid sa kaniya ng tagumpay sa larangan ng pagsulat. Sumikat sa buong mundo ang “Ang Munting Prinsipe.” Naisalin ito sa mahigit kumulang 300 wika. Sa Pransya ay kinilala ito bilang pinakamahusay na aklat ng dantaon.

Ang Munting Prinsipe
Le Petit Prince ni Antoine de Saint Exupery sa orihinal na wikang Pranses
Ibinuod ni Kristine Mae Cabales


Sa isang planeta sa kalawakan na tinatawag ding Asteroid B-612 ay may isang prinsipeng mag-isang nananahan. Maliit lamang ang planetang ito, nililibot niya ito kasabay ng paglilinis sa mga bulkan na matatagpuan dito, at binubunot din niya ang mga ugat ng mga puno ng Baobab.

Isang araw, may tumubong rosas sa planetang kaniyang tinitirhan. Dahil unang beses niyang nakakita ng rosas, inalagaan niya ito nang mabuti, upang hindi malanta. Nang sa tingin niya ay hindi na niya kaya pang alagaan ang rosas, umalis siya sa planetang kaniyang pagmamay-ari at nagsimulang maglakbay.

Sa kaniyang paglalakbay, napunta siya sa iba’t ibang planeta o asteroid na pinanalagian ng iba’t ibang uri ng nilalang tulad ng negosyante, hari, manginginom, tagasindi ng ilaw, at kartograpo.

Nakarating siya sa daigdig at nakilala ang isang piloto na nasiraan ng eroplano sa gitna ng disyerto ng Sahara. Sa pagsasama nila ay nakilala nang lubos ng piloto ang munting prinsipe, kung saan ito galing at kung ano-ano ang pinagdaanan nito sa kaniyang paglalakbay. Naging malapit sila sa isa’t isa at naging tunay na magkaibigan. Marahil, dahil na rin sa katangian niyang kahit matanda na ay hindi pa rin nalilimot ang pagiging bata ay nagkasundo sila.

Nakaramdam ng lungkot ang munting prinsipe nang malaman niya na marami pa palang rosas na tulad nang iniwan niya sa kaniyang planeta. Labis siyang nalungkot kahit na sinabi ng piloto na espesyal ang rosas na kaniyang iniwan sa kaniyang planeta. Nagpaalam ang munting prinsipe sa piloto sa pamamagitan ng pagpapatuklaw niya sa ahas.

Mga Komento