Ang Kuba ng Notre Dame
Isa sa mga pangunahing tauhan na binigyambuhay ni Victor Hugo sa kaniyang akdang “Ang Kuba ng Notre Dame” ang nakaranas ng pang-aapi. Basahin ang maikling buod ng ating tampok na nobela.
Kilalang-kilala sa katedral si Quasimodo. Hinatulan siya ng mga tao na walang kapantay ang kapangitan, idagdag pa na siya ay isang kuba. Ikinasasaya ng mga tao taon-taon sa Notre Dame ang Pagdiriwang ng Kahangalan. Ito ay pagpuprusisyon sa isang tao na nahatulan nila. Kukutyain at ipaparada siya sa mga piling lugar sa Paris.
Taong 1482, ang kubang si Quasimodo ang napili bilang “papa ng kahangalan ng Notre Dame.” Napakaraming tao ang pumunta sa kasiyahang ito kaya naman malaki ang panghihinayang ni Pierre Gringoire, isang makata at pilosopo dahil hindi siya
nagtagumpay na kunin ang atensyon ng mga tao dahil abala sila sa panonood ng parada ng kahangalan.
Habang isinasagawa ang panunuya kay Quasimodo, dumating ang isang pari na si Claude Frollo, ang umampon kay Quasimodo, at ipinatigil ang itigil kahangalang nagyayari. Pagkatapos, inutusan niyang bumalik sa Notre Dame ang kuba.
Noong naghahanap ng makakain si Gringoire, nasilayan niya ang kagandahan ni La Esmeralda, isang dalagang mananayaw. Nabighain siya rito kaya naman nagpasiya si Gringoire na sundan ang dalaga sa pag-uwi.
Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sinunggaban siya ng dalawang lalaki na sina Quasimodo at Frollo. Agad namang tinulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kaya nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus, ang kapitan ng mga tagapagtanggol ng kaharian.
Nahuli nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire dahil sa pag-aakalang kasabwat ito ni Quasimodo. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag nang ituloy ang pagbitay. Handang magpakasal si La Esmeralda sa pinuno mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Hindi matawaran ang tindi ng sakit sa bawat palong inilalaan sa kaniyang katawan. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob.
Kasabay ng sakit ng katawan at matinding kirot na kaniyang naramdaman ay ang panghuhusga at panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila walang naririnig ang mga taong nakatingin sa kaniya.
Gusto lamang nila ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na katayuan. Laking pasasalamat ni Quasimodo sapagkat dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig at pinainom siya nito.
Lumipas ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga gayundin si La Esmeralda sa kaniya. Sumikdo ang kaniyang puso dahil inanyayahan siya ng binata na magkita sila pagsapit ng gabi upang lubos na magkakilala. Lahat ng ito ay nakita ni Frollo kaya naman, nakaramdam siya ng matinding galit sa nasasaksihan. Matindi ang pagnanasa niya kay La Esmeralda kaya napagdesisyunan niyang talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Nais niyang mabihag ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame.
Sumapit na ang hatinggabi, oras na upang magkita sina La Esmeralda at Phoebus. Sinundan at minatyagan ni Frollo ang dalawa. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may nag-unday ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang maysala. Sa pagkakataong ito, hinuli ng mga alagad si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan sa pagpatay kay Phoebus.
Pinahirapan ang dalaga sa paglilitis at sapilitang pinaako ang kasalanang hindi naman niya tunay na ginawa. Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Agad namang dinalaw ni Frollo si La Esmeralda sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Tumanggi siya sa lahat ng inialok ni Frollo.
Iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain bago siya bitayin. Ilang sandali pa ay dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali upag iligtas ang babae. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga dahil napaibig na siya ng dalaga simula pa noong binigyan siya nito ng inumin. Bagaman mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo, naging magkaibigan din ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw na kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parlamento na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang muling iligtas ang dalaga.
Sinamantala naman ni Frollo ang kaguluhan upang makalapit kay La Esmeralda. Pinapili niya ang dalaga kung magapapakasal siya rito o itutuloy ang pagbitay sa kaniya. Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Nanghina siya sa nakita dahil wala na itong buhay nang makita niya ang dalaga. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga.
Hindi malaman ni Quasimodo ang gagawin. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding galit na nadarama, inihulog niya ito mula sa tore. Pinatay niya ang paring kumupkop sa kaniya.
Habang nakatitig sa walang buhay na katawan ng minamahal na babae, napasigaw si Quasimodo, “Walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Maraming taon na ang nakalipas, natagpuan ng isang lalaki ang puntod ni La Esmeralda at hindi niya akalain ang nasaksihan. Ang kalansay ng isang kuba ay nakayakap sa katawan ng isang babae.

RELATED POST:
Mga Komento