Magandang balikan ang mga lumang kasabihan, kawikaan, wikain, sawikain o sa mas kilalang salita ay "salawikain", kung saan ito ay mga maiiksing pangungusap na mayroong malalim na kahulugan na layon mgabigay gabay sa ating pangaraw araw na pamumuhay. Narito ang ilang mga halimbawa ng salawikain:
Mga Salawikain
Ang Ginto mo man ay isang kalaban,
Pilak mo man ay isang tapayan,
Kung wala kang kaibigan,
Wala rin itong kabuluhan.
Ang taong matiyaga,
Anuman ay magagawa.
Anak na galing sa magaling,
Sumama man ay magaling pa rin.
Ang kapalaran ko,
‘di ko man hanapin
Dudulog at lalapit,
Kung talagang akin.
Ang palatandaan ng isang panganib,
Kay daling makilala ng taong may isip.
Anak na hindi paluhain,
Ina ang patatangisin.
Ang patak ng mahinang ulan,
Pumupuno rin ng isang lalagyan.
Ang labis na kasaganaan
Walang buting makakamtan.
Kamalian ng mahirap,
Napupuna ng lahat,
Kamalian ng mayaman,
Pinaparang walang anuman.
Ang taong sinungaling,
Ay dapat matatandain,
Sa nilubid niyang daing,
Siya ay mahahalata rin.
Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo?
Ang taong walang kibo,
Nasa loo bang kulo.
Ang malabis na salita,
Nakagagawa ng masama.
Ang isang sirang kamatis,
Ay nakasisira ng isang tiklis.
Ang nakagawian sa pagkabata,
Dadalhin hangang sa pagtanda.
Ang masama sa iyo,
Huwag gawin sa kapwa mo.
Ang bakas ng karanasan,
Ay tanda ng kayamanan.
Ang hindi tumupad sa sinasabi,
Walang pagpapahalaga sa sarili.
Ang taong may hiya,
Ang salita ay sumpa.
Ang hindi tumatanggap sa payo ng matatanda,
Balang araw ay magiging alila.
Ang taong sa mabuti nangaling,
Sumama man ay sadyang bubuti pa rin.
Ang namamangka sa dalawang ilog,
Kadalasan ay nalulunod.
Kung ibig ang karunungan,
Habang bata ay mag aral,
Kung tumanda ay magaral man,
Mahirap ng makaalam.
Ang kalusugan ay kayamanan.
Ang sundalong nasusugatan,
Lalong nagiibayo ang tapang.
Ang laki sa layaw,
Karaniwang hubad,
Sa bait at muni,
Sa hatol ay salat.
Ang panalo ay nagiging bayani,
Ang talunan ay sising api.
Ang naniniwala sa sabi-sabi,
Walang bait sa sarili.
Ang taong may pautang
Ay hindi malilimutin;
Ang taong may utang
Nagiging ulyanin.
Ang bawat palayok,
May katapat na suklob.
Ang lumalakad ng matulin,
Kung matinik at malalim.
Ang isinukat mo sa kapwa mo,
Ay siya ring isusukat sa iyo.
Habang maiksi ang kumot,
Magtiis munang mamaluktot.
Hanggang mayroon kang salapi,
Kasunod mo ay tao,
Ngunit kapag wala na at said na,
Kasunod mo ay aso.
Hindi makakalakad ang kariton
Kung iisa ang gulong.
Huwag ng magmana ng salapi,
Magmana lang ng mabuting ugali.
Ang magalang na sagot
ay nakapapawi ng poot.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto,
sapagkat kumikinang din ang tanso.
Huwag kang mangako,
Kung alam mong mapapako.
Ang taong matulungin,
Biyaya ay sapin sapin.
Kapag ang kulisap ay lumigid sa apuyan,
Inilalapit niya ang sarili sa kamatayan.
Kapag mayroong isinuksok,
Mayroong madudukoy.
Kapag wala ang pusa,
Nagkakagulo ang mga daga.
Kung ikaw ay nagagalit,
Bumilang ng makasampung ulit.
Kung sino ang masalita,
Ay siyang walang nagagawa.
Kung ano ang taas ng lipad,
Siya ring lakas ng lagapak.
Kung hihintuan mong lahat
Ang asong tumatahol,
Wala kang mahahabol.
Huwag kang mangahas lumipad,
Kung mahina ang iyong pakpak.
RELATED ARTICLES:
Mga Komento