Dahil sa dalas ng mga sakuna at kalamidad sa Pilipinas, kinailangan ng pamahalaan na magtatag ng isang ahensiya na ang tanging responsibilidad ay maibsan o mapigilan ang mga sakuna at panganib na dulot ng mga kalamidad sa bansa. Ito ay ang National Disaster Risks Reduction and Management Council o NDRRMC na binubuo ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan. Ito ay itinatag ayon sa probisyon ng Republic Act No. 1012 na naging batas noong 2012. Ano pa kaya ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na inatasang pangalagaan ang kaligtasan at kabuhay ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad?
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
· Nagbibigay ng ulat-panahon
· Nagbabantay sa paparating na bagyo at nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa lakas at landas ng tatahakin ng bagyo.
· Nagbibigay ng mga paalala, abiso, at babala tungkol sa maaaring pagbaha, landslides, at iba pang kaganapan na kaakibat ng malakas na pag-ulan o bagyo.
PAGASA-Flood Forecasting and Warning Section
· Nagbabantay sa antas ng baha sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
· Nagbabantay ng mga aktibidad ng iba’t ibang bulkan
· Nagbibigay ng mga babala at paalaala kung may panganib
National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)
· Nakatalaga sa pagbabawas ng panganib na maaaring idulot ng mga kalamidad
· Naninigurong handa ang lahat sa paparating na kalamidad
Department of Transportation (DoTr)
· Nagbabantay sa pangkalahatang kalagayan ng transportasyon at komunikasyon tuwing may kalamidad.
Department of Science and Technology (DOST)
· Nakatutulong sa paghadlang o pag-iwas sa malawakang pinsala ng kalamidad gamit ang makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng Project NOAH.
Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
· Nagbabantay sa mga sasakyang panghimpapawid tuwing may kalamidad
Philippine Coast Guard (PCG)
· Nagbabantay sa mga sasakyang pandagat tuwing may kalamidad
Philippine Information Agency (PIA)
· Nagbibigay ng mga ulat tungkol sa mga relief and rescue operation na ginagawa kapag may kalamidad
National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
· Naniniguradong may sapat na suplay ng elektrisidad kapag may kalamidad
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
· Nagbabantay at nagpapanatili ng kaayusan ng daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila
Sa kasalukuyan, maraming seminar na isinasagawa ang gobyerno at mga non-governmental organization (NGO) upang magbigay kaalaman kung paano maging handa sa mga paparating na kalamidad. Dahil sa mga karanasan, marami tayong napupulot na aral kung paano maiiwasan o malilimitahan ang mga pinsala. Naging mas alerto ang mga kagawaran at ahensiya.
Marami na ring mga non-governmental organization ang tumutulong sa paghahanda. Ngunit lahat ng adhikain ng gobyerno, maging ng mga NGO ay hindi magiging matagumpay kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan. Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.
Sa disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan, maraming buhay at ari-arian ang maaaring mailigtas.

Mga Komento